Sa susunod na kabanata: ala-ala ng Ibalonian na mahilig sa komiks…

by


Katatapos pa lamang ng mahal na araw. Ang alingas-ngas ng tag-init ay matindi maski ngayon. Ito ang panahon na ako’y nakapagugunita ng tayo ay nasa UP pa.

Marami sa amin noon ang gustong umalis sa campus. Gusto naming maka-uwi sa probinsya para makapagbakasyon. Ibig naming makalimot sa hirap ng pagiging estudyante sa UP. Ngunit wala kaming pera para makabili ng pamasaje sa Pantranco patungong Bikol!

Yung mga marunong, madaling umalis. Umuwi na sila sa kanilang mga probinsiya. Mabilis silang lumisan para makapiling ang kanilang pamilya. Siguradong ganado ang mga ‘yun—lalo na’t puro uno ang kanilang mga marka. Yung iba naman, medio tagilid sa ekwela, malungkot, minabuti na lamang ang maghintay sa Diliman para alamin kung ano ang gradong nataggap sa mga terror na maestra.

Mainit ang panahon na yun! Kaka-kain pa lamang namin nina Julius Lecciones, Ray Rayel at Butch Robredo sa Hong Ning sa Cubao. Kaming mga Ibalon na taga-Molave ay walang magawa. Ang maghapon na panonood ng TV ay nakakasawa na. Sarado ang UP Swimming Pool; di pwedeng mag-langoy o mag-dive sa plataporma.

Maski ang paanyaya ni Butch na kumain ng sorbetes sa Dilimall ay nakakawalang gana. Minabuti na lang ni Greg Forcadela na matulog sa kanyang mahiwang kutson na itim. Ayaw na niyang pankinggan ang kwento ni Julius na gabi na kung umuwi galing sa kanyang GF, ang matamis na si Apple.

OO nga naman. Nakaka-inggit ang buhay ng may-GF na si JAL. Kaming mga walang GF, bokya! Kaya ng si Ray Rayel ay nagpa-alam na siya’y bibisita sa kanyang Tiya sa Maynila, kami’y ubod na natuwa. Alam namin, di si Ray babalik ng walang dala. Hindi lang pagkain—kundi Komiks!

Gaya ng mga taon na nakaraan, si Ray ay humakot ng komiks—kolecksiyon ng kanyang mamahalin na Tiya! Hindi lang isa o dalawa! Isang katerba! Malaking kahon ng Darigold. Bigay ng Tiya, para kami manahimik magbasa!

Alam ng Tiya, bagama’t may ambisyon kaming maging doktor, may ambisyon din kaming magpakalunod sa kwento ng Aliwan o Tagalog Espesyal!

Pagbukas ng kahon, sigaw agad si Ray na parang kapitan, “Oy! Sa akin ang Pogi!” Si Mario Genio naman sabay dampot ng lahat na “Liwayway.” Si Julius at ako naglalaban para sa lahat na “Lagim.” Si Floro Balce, ang hilig Wakasan!

O! yun ang mga nakakatuwang mga araw!

Kaya kung meron tanging taong ako’y kailangan magpasalamat, ang tiya ni Ray ay nangu-nguna sa aking lista. Mantakin ninyo, nakatulong siya sa mahirap na landas ng pag-aaral! Ang mga bababasahin ay nagpalakas ng aming pagkakaisa bilang mga magkakaibigan. Ang komiks ay nagpawi ng aming kalungkutan sa buhay dormitoryo na wala ang aming mga magulang!

Sa subsob naming pag-aaral, wala kaming oras magbasa ng komiks maliban kung tag-init. Kung walang magawa. Kung nakakasawa ang buhay! Ngunit sa pagbasa ng komiks, kami ay nata-uhan kung ano man ang buhay ng mga Pinoy na nakataglay sa kwentong parating patuloy na suspense “Sa susunod na kabanata.”

2 Responses to “Sa susunod na kabanata: ala-ala ng Ibalonian na mahilig sa komiks…”

  1. dusktildawn Says:

    Mahilig din ako sa komiks nuong ako’y nasa elementarya pa lamang. nakikihiram lang naman sa aking tiyain ng Aliwan, Pilipino ngayon, Tagalog klasiks, Hiwaga at kung ano ano pa. Paborito kung subaybayan ay ang Invinzor na dinibuho ni Mar T. Santana, Anak ni Zuma at Matatalim na pangil sa gubat na dinibuho ni Hal Santiago.Mga sikat na manunulat ay kinabibilangan nina Carlo J. Caparas at Elena M. Patron.

    Meron na uling mga lokal komiks ngayon pagkatapos ng matagal na pagkawala. Ito ay sa inisyatibo ni Carlo J. Caparas. P10 ito nung unang paglabas pero ngayon ay nagkakahalaga na ng P15 bawat kopya.

    dmdlab

  2. mesiamd Says:

    To dmdlab:

    Ay salamat, yaon ka diyan! An komiks saro sa marhay na libangan—but because of the bad rap from some people like my mom (who shredded them when they found their way at home,) I was cautious not to show her any of these magazines. Lalo na si pig-arkila ko sa kataid ming tindahan. Ta gigirisi’on yan!

    As I told you, komiks have bonded frienships and churned our innate imaginations to a higher level of excitement. They made us feel the way we’ve always been. Unpretentious and unaffected.

    Though there were occasions for more serious readings than komiks, the magazines offered a respite from the immutable facts of our challenging lives.

    Some people look at komiks derisively, but I believe it must not be that way. Komiks in large measure have fed the soul of millions of readers.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: