Archive for the ‘Raniela Barbaza’ Category

UP Ibalon Bicol Sends Christmas Peace & Love to the World

December 25, 2008

To Everybody,
I am sending my warmest greetings to everybody this Christmas 2008 and may 2009 be a better year for all. God bless
.—Edna Fatima

Malipayong Pasko!—Mighty

Gusto man daa maki celebrate ning x’mas sa kagharong saka nagpapamati na kuta na bako gabos karne ang handa tanganing may maitatao saiyang tunok ning sira. Wishing You and Your Family a Joyous Christmas—Carmela

Wishing you and everyone else a Merry Christmas and a great New Year! I’m intrigued by that cat in the window. ‘musta ka na man tabi? hahaha…. Hello Wilms, Ika daw… Thanks for the pat on the back! Just google up Ibalon Bicol and go to older posts. Happy holidays!… Thanks a lot,Totie and Andy. I’m just as happy to join you in trying to push our blog to greater heights. Happy holidays to you and everyone!—Bambi

Merry Christmas to all, Mwaah!—Wilma

Sarong Maogma asin Tuninong na Pasko para sa Gabos!—Ona

Merry Christmas! May the Lord keep you and your loved ones safe, prosperous, healthy and safe in 2009! And may you experience always the comforts of home, wherever this may be.— Benny, Ruth, Benje and Monique Rayco

MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT
AT SA INYONG MGA MAHAL SA BUHAY!— Jess

Sa gabos,
Merry Christmas and a Happy New Year!
—Leny

Para sa gabos, Maogmang Kamundagan! Pagkamoot ang regalo ko sa gabos. Magpadagos man lugod sa 2009 ang grasyang nag-aabot satuya gabos maski nasa tahaw kita kan pangkinaban na krisis.—Pit

Siring man saindo gabos, kinda Carmela, Bambi, Pit, Mighty, Momok, Dan, Miles, Arnel M, Ray, Butch, Bingbing, Annelee, Rose, Abet, Sabu, Asena, Penny, Darius, Totoy, Delen, Ann, Jess, Mickey, Andy, Amy, Zards, Sammy V, Benny, Arnel A, Ona, Eden, Vines, Min, Gods, Fems, May…..Basta si gabos! Merry Christmas and a Happy New Year!—Totie

Hello Dear Friends!
The spirit of Christmas is in the peace, joy and hope that it brings. May it touch your heart today and always. And may the good Lord shower you all with more blessings.

PS: Bambi! Dont forget to drop by our house when you go home this Christmas. We don’t reside in Mayao anymore — dun na kami sa old house namin in Ilaor Norte. See ya! Merry Xmas sa gabos! Medyo mag-ogma na habang dai pa marhay nasipa an krisis sato. Next hope I hope we will have a stronger org and a better website.—Mickey

Merry Christmas and a Happy New Year sa gabos!—Miles

As we celebrate the true reason for this wonderful season, we reflect on the blessings we received this year and we rejoice in the thought that caring people like you have touched our lives, individually or as a family, in more ways than one.

May we fill our hearts with the music of love and may we all have a Merry Christmas and a Happy New Year! —Gods, Julie and Thia Lanuza

MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON!— Arnel, Josie and Tintin

Happy New Year to All—Dan

“Best wishes to the whole family!”—Zards

Happy New Year to All—Momok

(Photo Credits: CarmelaLapic; StephenC/ photoluluguy; StephenC/ Photoluluguy; Photoluluguy; Cjerogel; Photoluluguy; StephenC/ photolulguy)=0=

=========================================================

Bicol as a medium of instruction

December 19, 2008

“I imagine some of us resisting the idea of having to learn math and the sciences in Bikol/Filipino instead of English. But do we think that the French students learn math and science in English?”—Raniela Barbaza

The snowy cold Friday afternoon in December 19, 2008 is an excellent time to read Raniela Barbaza’s insightful pitch on the use of English as a medium of instruction for Filipinos. Anywhere in the world, it is a subject of warm debate that doesn’t go away. From New York, Raniela’s message is clear on the subject. Bicol, our language in Maogmang Lugar is just fine as a medium of learning, says our Ibalon scholar-guru holed in the Empire State.

Take a bite on her insightful piece in “The Lure of the Apple: on the question of English as medium of instruction” (12/20/2008, Barbaza, R) (Photo Credit: Iansagabaen; Mr.Bwcat)

=========================================================

Kahit saan man, ang patis ay ‘di malimutan

November 29, 2008

kwento ni Raniela (Miles) Barbaza

May patis na kami!” Isang nakakatuwang kwento ng isang Ibalonian ng napunta siya at ang kanyang kapatid sa Gallup, New Mexico. Sa kalayu-layo ng Pilipinas, hanap-hanap pa rin nila sa dulo ng mundo ang patis na walang katulad.—mesiamd (11/29, 08)

Tatlong taon na ang orosipong ito pero tulad ng ibinubulong ng matandang salitang Bikolnon para sa kwento – ang orosipon, hindi natatapos. Patuloy ang masayang kwento: ang ating orosipon.” —RB, November 28, 2008, New York City

Hindi ko alam sa inyo pero para sa amin ng kapatid kong si Isang hindi maaaring walang patis ang nilaga o sinigang. Imajinin nga ninyo – nilagang walang patis? Pede ba iyon? Sinigang na walang patis? Mas lalong hindi pede.

Halos dalawang buwan na kami dito sa Gallup, New Mexico bago kami nagkaroon ng patis. Kaming dalawa ang tinatawag na mga bagong salta. Nitong nakaraang August 10 lamang nang dumating kami dito sa Gallup, isang bayan na may isa’t kalahati hangga’t dalawang oras na biyahe ang layo mula sa Albuquerque.

Noong unang linggo namin dito, sinubukan naming gawing Amerikano ang aming tiyan. Tutal, pagyayabang namin sa sarili namin, sanay naman tayong kumain ng Jollibee at Mcdonald’s sa Pilipinas. Sige, wheat bread at palaman. Pero hindi namin nakumbinsi ang aming mga tiyan. Sari-saring tunog ang nililikha ng mga tiyan namin. Brrrrrrrg. Mrrrrngk. Pop. Parang nagmumumog o kumukulog o pumuputok na mga tunog ang maya’t maya’y naririnig namin mula sa mga tiyan namin.

Nang maglaon, tiyan na namin ang hindi mapakanali. Okey. Suko na kami. Kailangan namin ng kanin at ulam! Sumugod kami sa nilalakad lang namin na supermarket (wala kaming kotse). Diretso sa aisle ng bigas. Ok. Hayun, rice. Isang maliit na supot lang? Di bale. Sige. Ano pa. Ulam.

Anong ulam natin? Nilagang baka para may mahigop na sabaw (nilalamig na agad kami kahit na summer pa daw dito). Ok. Beef stew cuts. Ito na siguro iyon. Tapos repolyo. Patatas. Carrots. Beans. Saging saba… walang saging na saba?! Ok, di bale. Sibuyas. Tsek. Patis na lang.

Ah, ok sa condiments na tayo. Wala. Fish sauce. Hanap tayo ng fish sauce. Saan? Baka kakaiba lang ang bote dito ng patis. Diyan sa shelf na iyan? Teka baka dito. Wala. Walaaaa.

Doon namin naalala na usapin rin ng identidad ang panlasa. Pero, siyempre pa, ang identidad ay likha ng taga-ngalan. Kailangang ikonteksto ang paghahanap ng patis sa pananaw ng mga tagarito sa New Mexico. Sa madaling salita, sino ba kami sa pananaw ng mga taga-rito?

Pinilit naming kalimutan na, basta tao kaming nagugutom. Alalahanin ang mga form na sinusulatan. Please check ethnicity (optional). Oriental. Asian. Minsan may tiyak na box para sa Filipino. O kaya, doon ka sa mga walang identitad: other. Ok, sikapin na alalahanin hanapin ang karatulang may tanda ng identidad.

Dahil iniisip namin tiyak na may patis dito, kailangan lang nating matuklasan kung nasaang aisle. May iba naman sigurong mga Pinoy dito. Siyempre mangangailangan din sila ng patis. Elementary economics ba iyon ? Ang alam ko, kung may demand, may supply. Natitiyak naman namin na magdedemand ang mga dila ng mga Pinoy dito ng patis, kaya mayroong magsu-supply. Luminga-linga kami. Binasa ang mga karatula sa itaas ng mga aisle. Talagang wala. Walang Oriental food. O Asian food. O International food. Ooops eto, Chinese food! Preno kami ng kapatid ko. Dalawang shelves na may habang tatlong piye siguro. Pero walang patis. Walaaang patis! Bumili na lang kami ng toyo sa isang kakaibang bote.

Kinabukasan, ibinalita sa akin ni Isang na ang sabi ng kaniyang katrabahong Chinese, sa Albuquerque pa raw sila namimili ng oriental food. Whooaah! Sa Alburqeurque pa? Para sa aming mga bagong saltang walang kotse, para na rin nilang sinabing sa Pilipinas pa makakabili ng patis.

Pero tulad ng iba pang malilit na bahagi ng buhay migranteng bagong salta, unti-unti nasanay na rin kaming magluto ng nilagang toyo ang pampaalat. Nasanay na rin kaming umasa sa microwave na nabili namin sa halagang $10 sa isang yard sale: pampainit ng tubig, ng kaning lamig at tirang ulam.

Nasanay na kaming gumamit ng mainit na tubig sa pagligo sa halip ng dati ay hinahanap-hanap na malamig na tubig na pampaalis ng banas sa Pilipinas. Nasanay na kaming ulit-ulitin ang aming sinasabi hanggang sa maintindihan ng kausap. Ng pagbigkas ng salitang bank na halos behnk. Ng pagdala ng jacket saan man pumunta dahil hindi nangangahulugang mainit ang panahon kahit na tirik na tirik ang araw. Ng pagbitbit ng tigalawang galon ng inuming tubig mula sa supermarket. Ng matitigan dahil sa kakaibang itsura o pananalita.

Naiintindihan siguro ng Diyos ang paghahanap namin sa patis. Isang araw, tumawag ang Uncle Romy namin mula sa Norwalk, California. Oy, mga bagong saltang dalaga. May pupunta diyan na mga Pinoy na madre. Pitong taon na sila diyan sa Gallup. Ipinagbilin ko kayo.

Mga madreng misyonero na nagtuturo sa Catholic School dito sa Gallup. Na tulad ng ibang migrante dito, natutong mag-drive! Dinala nila kaming magkapatid sa Philippine Cuisine, isang bagong Pilipinong restaurant daw na may ilang bilihing Pilipino.

Ah! Para kaming mga batang nakakita ng mga kendi. Bumili kami ng patis, toyo, suka (hindi distilled ha!), balat ng lumpiang shanghai, tumigas na sa lamig na tilapia, tinapa at bihon!

Sa katunayan, hindi naman pala kami nag-iisa sa pananatiling Pinoy ng panlasa. Sinubukan kong i-Google minsan ang humba dahil naalala ko ang masarap na pork humba sa Rodic’s sa eskwelahang pinangungulilahan ko.

Aba! Sandamakmak na blogs at sites ang umapir! Pinoy. Pinay. Kung saan-saan. Nananatiling Pinoy at Pinay nasaan man sila ngayon. Nagpapayabangan ng mga alam na nilang lutuing Pinoy na dati-rati’y hindi pinapansin ang pagluluto at basta na lamang kinakain sa kusina ng kanilang lola/lolo o nanay/tatay o sa kalapit na karinderia.

Kaya ngayong tanghalian, habang balot ng medyas, pajama at sweater, hinihigop namin ang mainit na sinigang na mayroon nang patis. Ang tanong naming dalawang bagong migrante ngayon: anong bahagi ang hindi matitinag sa pagiibang bayan? (Photo Credits: Chboogs; nikita2471; Chotda; Jab58; http://www.tastingmenu.com; chotda; nikita2471; knottypine)=0=